Tuesday, March 2, 2010

[March 2, 2010] One Tuesday Morning

March 2, 2010. 8:00am.

Cat: Tita gising na!!! Gising! Gising!!!
Cat: Titaaaaa!!!! gising ka na!
Me: maaga pa. ano breakfast?

Cat: Tita gising ka muna.
Me: Ano breakfast natin?
Cat: Bangon ka muna.

bangon ako.

Me: ano breakfast natin?
Cat: tignan natin sa baba tita.

Antok. Baba sa kitchen. silip ano breakfast. toothbrush. nag wash ng face. nagtimpla ng kape. kumain ng hotdog and sandwich loaf. Nagbreakfast na. Toothbrush ulit. naglaro ng bato bato pik kay catcat while waiting for my mom na matapos maligo. Naligo si catcat. umakyat ako sa room. nakita ang kama. antok. tulog ulit.

Cat: Tita tita gising na.. late ka na.
Me: hmmmm...maya na.
Cat: gising gising..gising!!!! late ka na tita.
Me: absent ako.
Cat: yey! sige wag ka pasok. laro na lng tyo. tapos punta tyo market.

napaisip.

Me: papasok na lng ako.


Bangon ulit. naligo na. nagplantsa. nagbihis. nagblow dry ng hair. nag-ayos. Antok. tingin sa kama. Antok. suklay ulit.

May nag-text!

Dan: Hi mel gudam!, favor naman please. Pwede magpabili ulit ng chicken? hehe.

Relpy ko: Ok.

Suklay suklay. Antok. lingon sa kama. Ayos ng bag. Ligpit ng kalat.

May nag-text ulit!

Dan: Yehey! same order pa rin. 1/2 chicken. Then parehas breast part. Thanks!

Reply ko: Oki.

Baba sa kitchen. check ang baon. rice. fried embutido. orange. banana.

Me: ay walang merienda?

Kuha ng chiffom slice. nestea iced tea litro pack. Bitbit lunch box. pasok na.


sa labas ng bahay.

Me: ang init naman!

balik. kuha ng payong. lakad. sakay tricycle. antok. baba. lakad. tawid. lakad ulit. antok. silip sa terminal.

Me: ayun may BGC Bus.

lakad. lakad.

naalala si dan.

punta sa bugong. lakad. lakad. haay..kakaantok. lakad.



Nasa Bugong na.

Me: Dalawang breast po.
Tindero: ha? (blank face)
Me (Antok): Dalawang breast.

Tindero napangiti.
Me napaisip. Nagising!

Sabi sa sarili: ooopppss! mali ata un nasabi ko.

Me ulit: Dalawang 1/2 breast part po ng roast chicken.
Tindero (todo smile): Ok ma'am. 119 po.

inabot ang bayad..120.

Tindero: piso po un sukli.
Me: Ok.

Tindero may kinuha.

Tindero (todo smile): Ma'am eto na po un 2 breast chicken.
Me: Ok.

sabay talikod.
kakahiya!!!!
si Dan kasi e.


lakad ng mabilis.. palayo!

2 comments:

  1. hahaha! mama mel ang kulit! kc nmn dapat gumigising agad :P

    ReplyDelete
  2. sobrang inaantok kasi ako kanina.

    ReplyDelete

You might also like:


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...