Wednesday, March 3, 2010

Si Catcat at ang Kawawang Pagong

Alas nuwebe ng gabi sa aming tahanan.

tok tok tok!

May sumilip sa bintana.. si catcat lng pala.

Cat: waaahhh! pinaka last si tita umuwi. pang 3rd ka. aaa huli huli! be be be be be!

Lola: buksan mo na ang pinto catcat.

Me: belat!

Binuksan ang pinto.

Cat: wow! ano yan tita?
Me: secret!
Cat: cake yan e.
Jajan: wow! cake! cake! cake! cake!
Cat: tita saan mo po yan binili?
Me: Sa..
Cat: ay ako na magbabasa. sa con..tis.. contis. sa market ba un?
Me: malapit sa market.
Jajan: sa hi-street po tita?
Me: hindi po.

Kinuha ni Lola ang cake at hinain sa mesa.

Jajan: caaaake! cake! cake!
Cat: chocolate cake! yehey!
Habang tuwang-tuwa si catcat and jajan sa pagkain ng cake.

Jajan: tita chocolate cake po ba ito?
Me: turtle pie cake po.
Jajan: aaahh...

Biglang nilayo ni Catcat ang plato.

Cat: lola ayoko na po kumain. sa yo na lng ito.
Lola: baket catcat? cge na kain ka na.
Cat (naiiyak): lola ayaw ko na po.
Lola: baket ayaw mo na? kanina sarap na sarap ka dyan.
Cat (naiiyak pa rin): e kasi lola un cake ni tita gawa daw sa pagong. ayoko na kainin. kawawa naman un pagong ginawang cake. bad un di ba lola?

Lola: di yan gawa sa pagong. hala kain na.

si Lola napatingin sa akin.

Me (smile): turtle pie cake un tawag dito ma.

Jajan: Lola masarap pala un turtle!


- the end -

:D






No comments:

Post a Comment

You might also like:


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...