Magandang araw po sa inyo. Nais ko po sana magtanong kung approve na po un pagtaas ng pamasahe sa pagsakay po sa tricycle? Kanina po, pag uwi ko galing opisina. nag-aabang po ako ng tricycle sa may talipapa sa tapat ng Cebuana Lhuillier Pawnshop sa may Sampaguita ext., Brgy. Pembo, Makati. Ako po ay papuntang Milkweed street. Doon po ako nag-abang kasi sa kabilang street papuntang Cembo sa tapat ng isang parlor, mahal po maningil ang mga tricycle driver, "Special" po ang pamasahe pag doon kayo sumakay, 15pesos. Habang nasa tapat po ng Cebuana LhuilIier Pawnshop, isang tricycle po ang huminto, at sinabi ko po na sa Milkweed at pinasakay naman ako. Maayos naman ang byahe. Pumasok po ang tricycle sa loob ng Milkweed street. Nagbayad po ako ng 7pesos kasi di naman po ganun kalayo ang talipapa ng Pembo sa Milkweed. Sabi po sa akin ng driver, 10pesos daw po ang pamasahe pag nagpahatid po sa loob ng Milkweed Street. 7pesos naman pag may kasama po ako. 7 pesos din po ang bayad kung sa kanto po ako ng Milkweed bumaba. At sabi pa ng driver mataas daw po ang gasolina kaya ganun na po ang singilan. Sana po inyong mabasa ang aking reklamo laban sa mga tricycle driver na abusado. Gawan nyo po sana ng aksyon para matuto po ang mga tricycle driver na abusado. Kawawa naman po kaming mga commuter, mahirap na nga po ang buhay, dindadaya pa ng mga tricycle driver na abusado.
Ang palatandaan po sa tricycle na aking nasakyan ay "UTPETODA 4596". Malaking lalaki po ang driver at sa loob po ng tricycle nya ay may picture po sila ng kanyang asawa na nakapangkasal.
Mag-ingat po kayo sa tricycle na ito.
Isa pang babala, maraming abusado na tricycle driver sa Bry. Rizal at Brgy. Pembo, Makati.